Balik FPJ’s Ang Probinsyano ang beteranong director na si Eddie Garcia.
Hindi pa kasi namatay ang karakter niya bilang Emilio Syquia sa nasabing teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Ayon pa kay Manoy Eddie, na-resurrect ang character at nag-disguise siya sa ibang katauhan.
Hiningan ko naman ng pahayag ang bida ng ‘Hintayan ng Langit’ tungkol sa mga batikos na natatanggap ng programa at ni Coco bilang creative consultant ng nasabing serye dahil sa umano’y paglalagay sa imahe ng kapulisan in a bad light.
The series is a work of fiction. Hindi naman siya tunay na kuwento at may disclaimer naman iyong programa tungkol doon,” aniya.
Hindi rin daw siya naniniwalang iniimpluwensiyahan ng programa na maniwala ang mga tao na bulok o masama ang kapulisan.
Matatandaang pumalag ang kapulisan kamakailan sa kuwento ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ dahil sa korupsyon umano na ipinakikita nito sa hanay ng kapulisan na para sa kanila ay hindi sumasalamin sa tunay na estado ng mga alagad ng batas sa bansa.
Katunayan, ikinukunsidera raw ng ahensiya ang pagpa-file ng kaso sa mga producer ng show dahil sa paggamit ng ganoong plot sa kuwento na apektado ang imahe ng men in uniform.