Edgar Allan, bobongga sa pagtambal kay Heart

Edgar Allan Guzman

WALANG gandang lala­ki problems ang dating Mr. Pogi grand winner Edgar Allan Guzman na muling magbabalik sa bakuran ng mga ka-Siyete.

Bago pa tumili ang mga hitad na walang utang na loob si EA at magdabog ang bangs ng mga katkatera sa aktor, bumalik si EA sa Kapuso network dahil wala siyang exclusive contract sa ka-Dos.

Per project lamang ang binata.

At estrella ang pagbabalik niya sa orihinal niyang network. Isa siya sa leading men ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Nag-story confe­rence na ito at hindi maitago ni EA ang kanyang galak, “It’s been four months since natapos ang Doble Kara. Nakaka-miss din magkaroon ng teleserye.

“Aaminin ko hinaha­nap ko rin ito. ‘Yung huli kong teleserye, tumagal nang more than a year.

“Kaya naman excited ako sa bago kong teleserye. Tapos it’s a new beginning for me bilang isang Kapuso.”

Si Mark Reyes ang director at ang mga kasama rito nina EA at Heart ay sina Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania, Jinri Park, Valeen Montenegro at Myke Salomon.

Ngayong tila “off season” si Edgar Allan sa romance department, nawa’y mas bumunga pa ang kanyang karera.