WALEY: Pagkatapos ng isang taon ding itinagal ng pinagbidahan niyang teleserye na Doble Kara, magiging abala na naman si Edgar Allan Guzman sa isang pelikulang maipagmama­laki niya, ang Deadma Walking.

Isa si Joross sa maituturing ni Edgar na mentor niya sa pagpasok niya sa industriya, kaya looking forward siyang makasama si Joross sa isang project na maipapalabas nila ang kanilang chemistry sa trabaho.

Hindi mo matatawaran ang husay nila sa pagganap dahil pareho na silang premyado.

Pero ano ba ang bago kay EA Guzman na sana, dati pang naging sikat pagkatapos manalo ng awards sa pelikula at teatro?

Sabi ni Edgar mismo, break na raw sila ng starlet niyang girlfriend na nagsabi noon na baka ginagamit lang daw siya ng ABS-CBN sa promo ng Your Face Sounds Familiar.

DEADMA WALKING na lang ba tayo bilang reaksyon?

Sana, hindi siya Boy Who Cried Wolf!

***

HAVEY: Inilunsad kahapon ang bagong proyekto ng TRex Prod­uctions na Deadma Walking na intended for submission sa Metro Manila Film Festival.

The script by Eric Cabahug won the 2nd Place sa Palanca Literary Awards fro Screenplay noong 2016.

Ito’y ­pamamahalaan ni Julius Alfonso na first time solo directorial credit ang pelikulang ito.

After playing support to most of the major actors in the industry, masaya si Joross na he’s given another time to shine and be the lead actor sa isang napakagandang kuwento.

“In fairness, nag-audition ako para sa pelikulang ito. Hindi madali, kasi improvisation and bilis ng utak pagkatapos kong mag-segue from Encantadia taping.

“Kakaiba, ibang klase naman kasi ang energy ni Edgar,” pambubuko ni Joross na instrumental din sa pagseseryoso ni Edgar sa pagiging aktor after nitong mag-Mr. Pogi.

Nagpasalamat si Joross kina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes dahil hindi sila umubra sa role.

“Siyempre, sikat na sikat sila, kaya hindi kaya ng schedules nila; kaya siguro meant para akin ang role.

“Naks, leveling! Hahaha! Kinausap ko nga si Lloydie about it, sabi niya, napakaganda talaga ng materyal, nu’ng nabasa, sabi ko, hindi na dapat pakawalan ito.

“Saan ka nakakita ng isang pelikula about friendship, family and death na nakakatawa at nakakaiyak at the same time? ‘Di ba, baliw? Ang saya ito kapag nagawa ito nang tama,” paglalahad ni Joross.

“At dahil cargo ko itong pelikulang ito, kailangan ko ng tulong ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin like sina Lloydie, JM Guzman at Gerald Anderson.

“Gusto ko sanang makasama sila sa pelikulang ito. Sana, sila ang maging leading men ko.”

Hindi bago kay Joross ang gumanap bilang bading. Nanalo pa siya bilang Best Actor sa Maalaala Mo Kaya sa PMPC Star Awards for TV

Offhand, marami na ring big stars ang nagpaabot ng suporta kay Joross para sa pelikula niyang ito. Kasama ba ang kontrobersyal niyang kaibigan na si Jason Abalos?

“Oo naman, parang kapatid ko na rin ‘yang si Jason. Nagkausap na rin kami, sabi ko, ‘wag na silang tumulad sa akin.

“Sukdulan na ‘yung sa akin, and they will just pale in comparison. Kidding aside, ipinagdarasal ko sila ni Vickie.

“Sana malampasan nila ito nang buo sila,” pagwawakas ni Joross na excited na sa pagsisimula ng kanyang pagbibidahang pelikula sa May 25.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.