SI Edgar Allan Guzman ang pinuri nang husto sa pelikulang Deadma Walking.

Isang masigabong palakpakan ang natanggap ng pelikula nila sa ginanap na premiere night sa Trinoma last Thursday night.

Sa mga pelikulang kasali sa MMFF na napanood namin, itong Deadma Walking ang pinakagusto namin at gusto pa naming panoorin uli.

Another gay film na naman kagaya ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros sa MMFF, pero ibang-iba ito dahil makaka-relate din dito ang mga hindi bading.

Tumatalakay ito sa relationship ng magkakaibigan na lahat na makakapanood ay tiyak na makaka-relate.

Pero ang talagang pansing-pansin dito ay ang napakagaling na performance ng mga pangunahing karakter na sina Joross Gamboa at Edgar Allan.

Kahit ang mga support na sina Dimples Romana, Candy Pangilinan at Nico Antonio ay magaling din. Kaya congratulations sa directorial debut ni Julius Alfonso.

Ang nakakatuwa pa rito ay ang suporta ng mga close friends nina Joross at Edgar Allan, kagaya nina Gerald Anderson, Piolo Pascual, Iza Calzado, Eugene Domingo, Vin Abrenica at marami pang iba.

Pati sa premiere night ay dumalo sina Gerald Anderson at pati si Rocco Nacino.

Base sa ilang MMFF entries na napanood namin, malakas ang laban ni Edgar Allan Guzman sa Best Actor category, at mahigpit na makakalaban ni Derek Ramsay.