Sa tinagal-tagal ni Edgar Allan Guzman sa showbiz, na-master na niya ang pakikisalamuha sa mga katrabaho niya.

 

Katunayan, aminado siyang ma­lakas ang gaydar niya.

 

Hindi rin niya ikinaila na may mga nakatrabaho siyang feeling niya ay berde ang dugo.

 

Gayunpaman, anuman daw ang sexual preferences ng mga ito, iginagalang daw niya ito basta huwag lang daw siyang tataluhin.

 

“Sigurong malaking factor na ang kuya ko ay gay kaya siguro observant din ako at malakas ang kutob. Pero ako naman, sa kaso ng kuya ko, proud ako sa kanya. Actually, siya nga ang mostly peg ko sa mga gay roles. Mahal na mahal ko siya at mataas ang respeto ko sa kanya,” esplika niya.

 

Nilinaw naman niya ang balitang hindi na siya tatanggap ng gay roles dahil takot siyang ma-typecast dito.
“Hindi naman sa takot ma-typecast.­ Siguro, pa­hinga lang pero kung may magandang offers, bakit naman ako tatanggi?” paliwanag niya.