BALAK isumite sa MMFF 2017 ang Deadma Walking. Iikot ito sa temang ‘a different kind of love’ at mga dramaramang ‘what I did for love’ ng maricones ang pelikula.
Bida sina Edgar Allan Guzman bilang Mark, at John si Joross Gamboa.
“Masaya at excited kami pareho,” pambungad ni EA.
“Nu’ng mag-screen test kami, on the spot iyon. Dinaan na lang namin sa biruan.
“Baklaan lang din so ginawa namin baklaan. ‘Yun pala, nakita nila na magkaibigan kami.
Nakita nila ang chemistry.
“So, kami ni Joross, dati nasa likod lang niya ako. Ngayon, kami na ang magkasama.
Excited kami.”
Balik-tanaw ni EA, “Dati, back up dancer lang niya ako. Ngayon bida na kami parehas.
“Kasama ko na siya sa paggawa ng pelikula. Nag-level up na kaming dalawa.
“Para sa akin, achievement iyon. Kasi, masarap balikan ‘yung nakaraan namin.
Kung ano ka man dati, ang sarap lang balikan. Kasi, ngayon kaming dalawa na ang bida sa pelikula, na talagang maganda ang story at gusto rin namin ang role.”
Dahil pamhinta si Gamboa sa pelikula, sa totoong buhay ba, may kaibigan siyang tulad ng karakter ni Joross?
“Oo, kahit na ‘di nila sabihin sa akin, alam ko naman. Kaibigan sila. Tropa.
“Pero ako kasi, kapag nakipagkaibigan ka, ‘pag may something siya at nagpakita ng motibo thru text na gusto niya ako ay dinidistansiya ko na ang sarili ko.
“Bonding-bonding pa kayo at usap-usap tungkol sa babae pero ‘yun pala, hindi niya gusto ‘yung kinuwento mo.
“Iba pala ang gusto niya. Tapos, magte-text sa iyo. ‘Ingat ka, bro, ha? ‘Pag kailangan mo ng kausap dito, lang ako.’
“Alam mong may something iyon, eh. Pero ‘pag tropa lang, wala lang, wala lang.”
Pagtatapat pa nito, wala pang pamhintang artista na nagparamdam sa kanya.
Dahil tila may ‘namatay’ sa kanilang pink story, hindi maiiwasang ikumpara ito sa Die Beautiful.
Arya ni Guzman, “Alam ko na may element na magkapareho kaya puwede mai-compare.
Pero never pumasok sa akin na magkapareho kami.
“Magkaiba talaga ang kuwento.”
Ang lamang nila, “Mas malandi ako. Hahahaha! Siguro ‘pag lumabas na ang pelikula, kayo ang makapagsasabi kung ano ang edge namin.
“Mahirap magsalita. Mahirap mag-compare.”
How far will you go to promote this film?
Ang sagot ni EA. “Maliban sa mga usual presscons, puwede kaming mag-promote sa mga parlor. O sa spakol. Hahahaha. Gusto mo i-try din namin iyon.
“Try namin ni Joross, why not? Pam-promo lang iyon. Open naman ako sa ganoon.
“Eh bakla kayo, eh. Kumatok kayo, ilan kayo? Hahahaha!”