Muling magsasagawa ng road reblocking at mga repair activity ang Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH – NCR) sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at apat (4) na iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ang pag-aayos ng kalsada ay isasagawa simula alas-11:00 nang gabi ng Biyernes, Nobyembre 16, 2018 hanggang alas-5:00 nang umaga ng Lunes, Nobyembre 19, 2018 sa mga sumusunod na seksyon ng EDSA Quezon City: southbound direction na malapit sa GMA 7, ika-2 lane mula sa MRT lane at Scout Albano patungo sa Panorama Devt. Corp. Building, sa tabi ng bangketa at sa northbound direction bago ang Oliveros footbridge, 1st lane mula sa sidewalk.
Ang iba pang mga kalsada na sasailalim sa rehabilitasyon sa Quezon City ay ang mga sumusunod: Tandang Sora Avenue harap ng Petron Gas Station, northbound; Batasan Road malapit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office, 4th lane mula sa center, northbound at ang Mindanao Avenue, pagkatapos ng Road 20 (Trucklane) at sa harap ng Petron Gas Station (Trucklane), northbound.
Gagawin din ang Circumferential Road 5 (C-5 Road) malapit sa SM Aura 2nd outermost lane, southbound.