Kalbaryo na naman ang daranasin ng mga motorista at mananakay ngayong weekend bunsod ng road re-blocking na gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pagkukumpuni ng isang kompan­ya ng tubig sa ilang mga kalye sa Metro Manila.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula alas-11:00 kagabi (Nobyembre 23) ay isinara ang bahagi ng Southbound ng C-5 Road tabi ng SM Aura (4th and 5th lane from median), C-5 Road bago mag Pasig Boulevard, C-5 flyover, EDSA-Scout Albano malapit sa Shell Gasoline Station (beside sidewalk) at Scout Borromeo malapit sa GMA 7 (2nd lane from sidewalk) bunsod ng isasaga­wang road re-blocking.

Kabilang din ang Northbound ng EDSA harap ng Northstar Motor Corp. (1st lane sidewalk), Batasan Road malapit sa CSC Central Office at Mindanao Avenue Minda­nao tunnel hanggang Old Sauyo footbridge (trucklane).

Magsasagawa rin ng concre­ting road restoration sa Quirino Highway (SB) mula panu­lukan ng Mindanao Avenue hanggang Villa Sabina (1st lane from sidewalk), Mindanao Avenue (NB) mula Lukara St. hanggang Socorro St. (1st lane from sidewalk), Road 10 (NB) Visayas Avenue – Road 1 intersection (1st lane from sidewalk).

Ang nabanggit na mga kalye ay magiging passable para sa mga motorista alas-5:00 ng umaga ng Lunes (Nobyembre 26).

Abiso ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga kalye at dumaan na lamang sa mga itinalagang alternatibong ruta para huwag maabala.