Makararanas ng masikip na daloy ng trapiko ang mga motorista dahil ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “stop-and-go scheme” sa EDSA at sa iba pang area ng Metro Manila bunsod ng state visit ng pangulo ng Sri Lanka mula Enero 15 hanggang 19 ngayong buwan.

Naka-schedule na dumating kagabi sa Maynila si Sri Lanka President Maithripala Sirisena.

Ayon sa MMDA, posible aniyang makakaranas ng traffic disruptions sa bisinidad ng airport sa Pasay City, ilang kalye sa Makati City business district, Pasig City commercial district, Maynila at Quezon City.

Ito ay dahil sa nabanggit na mga lugar dadaan ang convoy ni Sirisena kung saan awtomatikong ipatutupad ang “full stop traffic” habang dumadaan ang convoy nito.

Dahil sa abisong ito MMDA, asahan na aniya ang mararanasang traffic ng mga motorista sa ilang kalye sa Metro Manila.