“PERA! Malaking-malaking pera,” ang kuwelang sagot ng nagbabalik-Kapuso na si Edu Manzano sa tanong kung anong nakakumbinsi sa kanyang gumawa ng teleserye sa GMA network.
Kasama si Doods sa cast ng Someone to Watch Over Me.
Ayon kay Doods, taong 2004 nang tumigil siya sa paggawa ng pelikula dahil ayaw na niya.
Tumigil siya sa paggawa ng teleserye noong 2006 pa dahil hindi niya gusto ang oras ng pagtatrabaho sa soap opera.
Napapayag lang siya sa teleseryeng Bridges of Love ng ABS-CBN last year.
Medyo malungkot din si Edu sa katotohanan na maraming artista ngayon ang hindi na niya kilala.
Mas kilala niya pa ang mga taga-media kesa sa mga bagong artista.
But he loves working with GMA at nang dumating ang project na ito ay tinanggap niya ang alok ng Siyete.
Kasama si Edu sa cast ng pelikula noon na Tanging Yaman na ang bidang si Tita Gloria Romero ay may-Alzheimer’s.
Ngayon ay kasama naman siya sa drama series na ang bidang si Tom Rodriguez ay may early onset Alzheimer’s.
Sabi namin kay Doods, sa edad niyang 61-anyos ay parang hindi siya magkaka-Alzheimer’s dahil ang tindi ng memory niya at kilala niya halos lahat ng showbiz press.
Sabi ng batikang actor-TV host, umaasa siya na hindi siya magkakaroon nito, pero ang kanyang ina, nu’ng early eighties nito ay nagsimula na itong magkaroon ng Alzheimer’s.
Nakita niya mismo ‘yung degenerative effect ng sakit na ito sa tao, hindi niya ito iwi-wish on anyone.
Kaya kailangang manatiling active ang isipan kahit ano pa ang edad natin.
Natawa si Doods sa hirit namin na buti na lang ay ‘active’ pa rin siya, hindi lang sa isipan kundi maging sa ibang bagay.
Hereditary ang sakit na ito, kaya silang magkakapatid ay napag-usapan na nila ang tungkol dito kung anuman ang mangyari.
May lungkot sa boses ni Edu nang ikuwento niyang nakalimutan na ng kanyang ina kung sino siya. Maging ang kambal niyang kapatid hindi na rin nito kilala.
‘Yung pamangkin niya na nag-aalaga sa mother niya sa Parañaque, ‘yun ang kinikilala nitong anak.
Kahit kaharap niya ang nanay niya at kumakain sila ay hindi siya pinapansin nito. Aniya, masakit magkaroon ng mahal sa buhay na may ganito.
Kadalasan, ang nananatili sa pag-iisip ng taong maysakit na Alzheimer’s ay ‘yung mga nagkaroon ng matinding epekto sa buhay nito.
Ang mommy ni Doods, kahit ‘yung best friends nito at mga dating katrabaho ay hindi na nito kilala, kaya lahat silang magkakapatid ay halos maiyak.
Ayon kay Edu, hindi lang ito ordinaryong forgetfulness. It is a more complex ailment.