Eduard Banez target makapagtapos sa UCLA

Bagamat nami-miss ng dating Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez ang Pinoy showbiz, busy naman siya sa pag-aaral ng political arts and media history sa UCLA. Kasalukuyan siyang namumuhay ngayon sa Los Angeles, California.

Goal niya talaga na makatapos ng pag-aaral ngayong 2020. Gusto rin niyang mag-contribute sa art history.

Plano rin niyang mag-travel sa iba’t ibang lugar para ilunsad ang kanyang project material at magamit ang kanyang thesis.

Kritikal umano ang mga napag-aralan niya sa arts. Halimbawa nito ay ang coffee nuts na kung paano ikokonek sa sining at entertainment. Ano ang maitutulong nito sa pag-unlad ng ekonomiya.

“’Yung finish product ng coffee nuts na yan ay nilalagay sa music video. Kumbaga isa ‘yan sa hinahalo sa materials na pinapanood natin. Project ‘yan ng mga bagets,” sey pa niya.

Ibang-iba na talaga ngayon si Eduard Banez. Hindi na siya ‘yung bagets na kumakanta, umaarte at naging newscaster. Mas malalim at may direksyon ngayon ang kanyang buhay. (RFC)