Eduard keri ang mandatory drug test

Naka-chat namin ang dating Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez. Masaya siyang namumuhay ngayon sa Los Angeles, California.

Tsika niya sa amin normal lang daw ‘yung balitang naghubo si Miley Cyrus sa disyerto.

“‘Yung mga stars sa Hollywood pag na-burn out tumitira sila sa bundok. Hubo’t hubad sa kubo nakatira. Tapos, kinakain nila puro tanim lang. Iniiwan nila ang kasosyalan sa buhay. Bumabalik na lang sila pagkatapos magbakasyon,” sambit niya.

“‘Di ba nawawala minsan ang stars kasi nakatira sila sa gitna ng gubat,” lahad pa niya.

“Minsan nga ang suot nila ay damit ng simbahan, minsan tela ng poon,” dugtong pa niya.

Kahit siya ay nagsusuot umano ng damit na galing sa Vatican.

“I love it,” sey niya.

Feeling nga raw niya ay siya si Prince Eduard.

Seryoso pang sabi ni Eduard naramdaman niya ang spirit ni God nu’ng magpunta siya sa Vatican.

“Kaya nga always pray lang. Lahat ng bagay ay may paraan,” seryoso pa niyang pahayag.

Tinanong din namin siya kung dapat bang pangalanan ang 31 celebs na nasa drug list? Dapat bang isagawa ang surprise at mandatory drug test?

“Mabigat na kasing problema ‘yan kaya ‘yung arts ini-involve nila. Tama lang naman na sugpuin at tanggalin sa Pilipinas ang droga. Pero ‘wag pangalanan ang mga artista. Huwag nilang gamitin ang mga artista para magpapogi. Tulungan nila ito kung paano magbago at ma-rehab.

“Sana maiwasan din ‘yung artist na nai-involve sa drug extortion. Ang showbiz dapat hindi maabot ng extortion,” sambit pa niya.

Agree naman siya sa surprise drug test sa mga taga-showbiz. (RFC)