Edward lagot sa pasabog ng dyowa

Hell hath no fury a woman scorned nga ba ang mantra ngayon ni Lexa Lauraine, ang dyowa diumano ni Edward Barber?

Bakit kaniyo umabot sa puntong ganito ang kanilang closeness na sa una ay sadyang tamis-tamisan na parang walang katapusan? Kasi nga raw, ang binatang tisoy, nagising na sa pagkarahuyo kay Lexa, iniiwasan na nito ang magandang babaeng bumighani sa kanya dahil totoo nga ba ang sitsit ng mga dalahira na mas pinapaboran na ni Barber ang kanyang karera?

Siyempre pa, ayaw matulad ni Edward sa ibang mga actor na gone with the wind, gone in sixty seconds, lost in space and lost in emotion ang karera kaya mas matindi pa sa linta ang pagkapit nito ngayon kay Maymay Entrata.

Napagtanto niya na masyado pa siyang bata para maging la ocean deep at sumanib sa League of Extra Ordinary Has Beens, huh!

Ang kaso, ang dyowang ni Lexa, nagpupuyos at nagmamarkulyo nga ba ang damdamin at pagkababae? Sa ganda niya nga naman, hindi makatarungan para sa kanya ang ma-ghosting ni Edward at balewalain siya.Hindi tama na umarte ang young actor na wala silang magandang pinagsamahan.

How true kaya ang chika mula sa mga chismosa na malapit na malapit na raw umabot sa pagputok ng bulkan ang point of poot ni Lexa? Isasambulat na raw nito ang the truth and nothing but the truth tungkol sa closeness nila ni Edward?

Juice colored! Ano kayang pasabog ang ihahatag ni Bb. Lauraine? Sweet text messages kung saan may mga pangakong sa ngayon ay pakong-pako na?

Abangan na lang natin kung may sapat na tapang nga itong si Lexa Lauraine to spill the beans at kung paano ito haharapin ni Edward Barber kung saka-sakali.

Sa kaganapang ito, masasaksihan na ba natin ang greatest performance ni Maymay Entrata? Exciting! All eyes will be on her at talagang mas lalong bobongga ang karera niya pag rumesbak nga with resibo si Lexa laban kay Edward, hindi ba naman?