Isa sa tinitiliang loveteam sa ‘Pinas ang tambalang Maymay Entrata at Edward Barber. Kilala sila bilang MayWard. Ang nakakaaliw na personality ni Maymay at ang mala-prince charming na aura ni Edward ang nagpakilig sa mga fan.
Sa “Pinoy Big Brother” (PBB) pa lang ay pinakilig na nila ang madlang pipol. May nagbago kaya sa samahan ng dalawa nang lumabas sila noon sa Bahay ni Kuya?
“Of course, I know her better now kasi when you go through big challenges and you are under extreme pressure, parang lalabas ‘yung totoong ugali ng isang tao. So far, Maymay is still the same,” pakli ni Edward.
Nakitaan naman si Maymay ng malaking potensyal sa pagmomodelo. Kung papipiliin siya, ano ang nais niya: modeling o ang kanyang acting career?
“Sa ngayon priority ko talaga pagiging actress tapos ‘yung modeling bonus lang ‘yun. Kapag may opportunity or i-invite lang, hindi naman habambuhay, invitation isang araw lang naman ‘yun.”
Is there a chance na sasali siya sa Binibining Pilipinas?
“Kapag beauty queen kasi, parang hindi pa siya clear sa akin kung ‘yun ba ‘yung gusto ko. Maraming salamat po sa lahat ng nagsasabi pero siyempre para sa akin magiging mahirap ‘yung proseso nu’n. Marami pa akong pina-priority sa buhay ko, lalo na ‘yung trabaho ko sa showbiz. Para sa akin malabo pa na gusto ko siya sa ngayon.”
Nagkakaselosan
Paano kaya inaamin ni Edward ang nararamdaman niya sa tao?
“‘Yung truth, dati torpe ako. That’s why I always try to show my feelings, to express. Kasi risk ‘yun eh, you always take a risk when you like someone. Pero ngayon kami, into this industry, I feel like I’ve opened up more. Pero confident naman ako at the right time, with whoever it may be, I’ll be okay.”
Nagseselos ba si Maymay kapag may nakakatabing ibang babae si Edward?
“Kasi po noong high school ako, naranasan ko talaga ‘yung puppy love tapos nagsimula bestfriend tapos nagkagustuhan, MU kasi kapag nasa punto na MU na kayo, nagtatanungan na kayo kung puwede ba tapos biglang may darating tapos magdadalawang-isip ka kung gusto ka ba niya o hindi? Kasi wala naman po sinabi na kayo,” sey niya.
Anyway, para sa kakaibang story ng MayWard, bumili ng Celebrity Radar magazine. Cover story sila ngayon. Alamin kung bakit masaya sila ‘pag magkasama.
Dedma sa panlalait na hindi bagay maging Catriona
Hindi lang sa modeling umaariba ang aktres dahil sa lahat ng artista ay siya ang napisil ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na gumanap bilang siya sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK).
Ano ang reaksyon niya?
“Ang pagkakaalam ko po isa ako sa gusto ni Miss Catriona. Talagang overwhelmed ako, sobrang humble ako na isa ako sa pinili. At saka gusto ko sang-ayon lahat ng tao, gusto ko masaya sila lahat, dapat kung ano ang majority na gusto ng tao, ‘yun dapat sundin.”
Bakit nagdadalawang-isip siya sa role na Catriona?
“Siguro kasi magkaiba kami ng culture. Siguro nagdadalawang-isip sila kung magagawa ko ba tapos alam niyo naman ang ganda ni Catriona tapos English din siya. Alangan naman mag-English ako sa MMK,” aniya pa.
Nasasaktan ba siya sa mga basher na sinasabing hindi siya bagay sa role?
“Hindi ko siya nababasa pero may nagsasabi sa akin. Hindi ako naaapektuhan. Kung ano ‘yung opinyon nila, eh, ‘di ‘yun ‘yung opinyon nila.”
Ano ang reaksyon ni Edward sa pagkakapili ni Catriona kay Maymay para sa MMK?
“For MMK, it’s amazing. It’s a great opportunity. Personally, I know how hard Maymay will have to work for that. So it’s really up to her if she wants to take it. First of all, MMK mahirap ‘yung emotion, you have to go through there. International Catriona Gray, the whole level, so I know Maymay can do it if she have time and if she push herself for it pero I’m proud of her.”
Sang-ayon ba ang aktor na gumanap bilang Clint, ang ex-boyfriend ni Catriona.
“I’m alright with it, yeah!”
Handa ba siya na makita si Maymay na nakasuot ng swimsuit?
“First, I’m not really fan of it. Siyempre mas conservative ako pero I’m not gonna control her. Who am I to say this is what you can do and what you can’t. Kung gusto niya and kung komportable siya and kung papayag ‘yung management and ‘yung production, go lang.”
Ano naman ang reaksyon niya sa mga basher ni Maymay?
“Of course, with someone who cares about Maymay, medyo naiinis ako. I won’t be lying, anyone who says na hindi sila naiinis, it’s a lie. Pero in a way, I also don’t care kasi kilala ko si Maymay, alam ko ‘yung talents niya, ‘yung skills niya. She achieved a lot and the people who are bashing her, what did they really achieve? It’s not important what they say kasi I know the true Maymay,” sagot ni Edward.