Sino kaya ang maniniwala na galing sa kanyang mga taga-suporta ang paunang bayad ng talunang si Bongbong Marcos sa kanyang protesta laban kay Vice President Leni Robredo.

Bago mag-Holy Week, nagpahayag pa itong si Bongbong na mahihirapan siyang mangalap ng perang pambayad sa Presidential Electoral Tribunal.

Kamukat-mukat mo, biglang nagkaroon ng pambayad si Bongbong na P36 million mula raw sa kanyang mga taga-suporta.

Kumbinsido ang marami, lalo na ang mga netizen, na ang perang ibinayad ni Bongbong sa PET ay perang ninakaw ng kanyang pamilya sa taumbayan.

Para mapatunayan na ‘di nagsisinunga­ling itong si Bongbong, dapat niyang ipakita na ang mga taong nag-donate sa kanyang protesta ay may kakayahan talaga sa buhay at hindi lang nagpapagamit para lokohin ang taumba­yan.

Kung hindi ito mapatutunayan ni Bongbong, isa lang ang ibig sabihin nito — nagisa na naman ang taumbayan sa sarili nilang mantika.

Sa mga nakalipas na dekada, wala kang maririnig na anumang negosyo na pinasok ang mga Marcos. Kung mayroon man, wala ka man lang narinig na mayroong kumita.

Kaya saan kukuha ng pera ang mga Marcos kundi sa tago nilang yaman na ninakaw sa taumbayan.

Kung mapatutu­nayan na pakulo lang ni Bongbong ang donasyon, titibay ang kasa­bihan na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter: follow@dspyrey)