EH KASI, LASENGGA!

lasengga

ANG singer-actress na ito ay may anak na pero hiwalay sa jowa. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlo na itong asawa.

Ang dahilan ng hiwalayan sa kanyang mga previous jowa, ang pagiging lasengga niya.

Kabilang siya sa pamilya ng mga artista. Magaling siyang kumanta. Bigay na bigay. Performance level, ikanga.

Iyun bang parang huling kanta na ‘yung binabanatan niya.

Kakaiba siya. Kung ang ibang singer ay LUYA o PEI PAK WA ang nilalaklak para mas relaxed at bongga ang kanilang boses, ibahin ninyo si ate…

Alak ang pampaganda ng The Voice niya at may The Moves pa na panggolpe de gulat.

Sa isang corporate show, invited siya para mag-perform. Bago siya kumanta, mamam muna siya ng markang demonyo.

Start na si ate, sigaw ng, “Are you ready, people? Yesssssssss… hit it!”

Sige, kanta! Birit! Sigaw! Alulong! Tili! Head throw! Dan da raaaan… bagsak ang potah!

Hilo! Aba, tumayo ulit.

Pumatong sa lamesa.

Sing ang dance! Kaso, bumagsak na naman si ate!

Duguan! Sugatan! Gumulong!

Sigawan ang mga utaw! Tuwang-tuwa!

Akala ng audience, part ng gimik ni ate ang paggulong.

Hindi nila alam, langong-lango si lucrezia borgia na binuhat na at ipinasok sa kuwarto para ma­kapag­pahinga.