Ejay, Lauren nag-shoot ng Korean drama

tonite-imo-vinia-vivar

Proud na inanunsyo ng talent manager na si Perry Lansigan of PPL Entertainment sa kanyang Instagram account ang magandang balita tungkol sa isa niyang talent na si Ejay Falcon.

Ayon sa post ni Perry, kasalukuyang nasa South Korea ang aktor para mag-shoot ng Korean drama titled Where Stars Land ng SBS network na pinagbibidahan nina Lee Je-hoon at Chae Soo Bin.

“Ejay is currently in Korea now shooting a Korean TV mini series there with Lee Je hoon and Chae Soo Bin entitled WHERE THE STARS LAND (formerly People in Incheon Airport).

“It will start airing on Oct. 1, 2018 on SBS. The first Filipino actor to star in a Korean TV show. Congratulations and Good luck Ejay! Make PPL very proud. Make us Pinoys proud,” ang caption ng PPL Entertainment sa mga larawan ni Ejay habang nasa set ng Where Stars Land.

Sunod-sunod din ang post ni Ejay sa kanyang Instagram account ng mga larawan niya sa South Korea although bitin pa ang kanyang mga detalye.

Caption niya sa larawan niya habang nasa Incheon International Airport ng SoKor, “Opportunity unlocked” at nilagyan ng hashtag na #grateful at #falconatincheon.

May larawan din siya sa harap ng SBS network at ang caption naman na inilagay niya, “SBS. #day2.”
Ang pangatlong picture ay kasama na niya ang lead actor na si Lee Je Hoon at may caption naman na “#Kdrama Lee He Joon.”

Pero hindi lang si Ejay ang masuwerteng Pinoy star na kasama sa nasabing K-drama kundi maging ang young actress na si Lauren Young. Umalis ang dalawa patungong South Korea noong Sept 14.

Sina Ejay at Lauren ang kauna-unahang artista sa ‘Pinas na napa­sama sa isang K-drama. The two will appear on one episode of the said series.

Nag-post na rin si Lauren ng mga larawan niya habang nasa SoKor at tulad ni Ejay, wala rin siyang detalyeng ibi­nigay.

Sa isang picture niya na nasa Ninoy Aquino International Airport at paalis pa lang, ang inilagay lang niyang hint ay “heading to Korea with @piamagalona to become a KPOP Superstar.”

Nakatakdang bumalik ang dalawa sa ‘Pinas on Sept. 22.

Ang Where Stars Land ay magsisimula nang umere sa Oct. 1 on SBS’s Mondays and Tuesdays at 10pm KST (Korean Standard time) time slot.

Ito ay mula sa direksyon ni Shin Woo Cheol na siya ring nagdirihe ng mga sikat na K-drama na Lovers in Paris, Lovers in Prague, Lovers, Gu Family Book, Secret Garden at Gentleman’s Dignity among others.

Ang lead actor namang si Lee Je Hoon ay huling napanood sa K-drama na Tomorrow With You last year habang ang leading lady niyang si Chae Soo Bin ay bumida sa I Am Not A Robot na nagtapos nitong Enero, 2018.