MARAMI pa rin ang nagdududa sa version ni Ejay Falcon kaugnay ng aksidenteng kinasangkutan ng kanyang driver at sasakyan.

Ayon kasi sa aktor, papunta siya ng trabaho that time. Tulog daw siya nang mabangga umano nila ang kotse ng isang konsehal sa Tanay, Rizal. Ang driver niya umano ang bumaba para maki­pag-ayos.

Natakot lamang umano ito dahil sa merong sumigaw at inakalang kukuyugin kaya ito napatalilis ng takbo hanggang sa habulin ng motor na sumaklolo sa konsehal.

Noon pa lang nalamang si Ejay ang sakay at nagsabi ngang natutulog siya kaya’t wala siyang alam.

Ang siste, marami ang nagsasabing palusot na lamang umano nila ‘yun kundi pa sila nahabol at naharang.

Balitang nakikipag-ayos naman at babayaran ni Ejay ang danyos ng nabanggang kotse, pero tablado pa rin siya sa mga kuwentong tinakbuhan nila ito.

Ang bagong tsismis nga, napilitan lang daw ang driver na gawin ‘yun dahil umano inutusan ito?

Joshua lumaki ang ulo

MUKHA ngang tama ang sinasabi ng isang beteranong talent manager sa attitude ng mga artista. Subok na niya ang pagbabago ng ugali ng mga ito sa dami ng napasikat niyang artista sa halos limang dekada niya sa showbiz.

Na diumano, dadating ang araw na mararamdaman din ang paglaki ng ulo ni Joshua Garcia o ‘di kaya ay malunod ito sa isang basong tubig.

Sa sunod-sunod ka­sing balita sa batang aktor, lalo na sa mga isyung hindi umano ito nagpapakita ng katapatan sa kanyang ka-love team (by flirting with others, lalo na sa mga nakikita nito sa social media), imbes daw na maging apologetic o magpaliwanag ito ng side niya in a manner na ‘positive’, eh tila kaangasan ang dini-display nito?

Marami ang nayaba­ngan sa cryptic message niyang “you can never put a good man down,” na tila sagot niya sa mga bashing sa kanya.

Parang ang taas-taas na raw ng tingin ng aktor sa sarili at tila ganun siya ka-good para purihin ang sarili?

Hay, ang mga fan talaga. Feeling nila’y pro­perty nila ang magaling na aktor.

Pero sa kabilang banda, tama namang magpaalala sila kay Joshua dahil love team nila ang nalalagay sa kontrobersya.