Itinapon ng referee si La Salle coach Aldin Ayo sa second quarter pero no problem dahil natuhog pa rin ng Green Archers ang six-game winning streak kahapon sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Bumira si Ben Mbala ng 19 points, 17 ­rebounds at three blocks at kinalos ng Green Archers ang University of the East Red Warriors, 84-78.

Tumikada rin si Justin Baltazar ng 14 points, nine rebounds at two blocks, may 11 points at eight boards si Prince Rivero para sa La Salle na dalawan­g panalo na lang at mawawalis na ang first round.

Nangyari ang ejection ni Ayo nang magreklam­o sa tawag ng mga referees, humawak ng eyeglasse­s at saka sinesenyas na isuot ng game officials.

Posibleng mabigyan si Ayo ng one-game suspension sa sunod nilang laban, toka ang mahigpit na karibal na Ateneo sa Linggo.

Binigyan ng Warriors ng magandang laban ang Green Archers, dikitan ang laro hanggang sa huling­ bahagi ng laro.

Kumalas ang DLSU mula sa clutch three-pointer ni Andrei Caracut, 81-74, may 61 seconds na lang sa fourth quarter.

Baon sa ilalim ng team standings ang UE pasa­n ang 0-6 karta.

Sa unang laro, tinalo ng Blue Eagles ang ­University of the Philippines, 79-64. Solo sa second­ spot ang Ateneo sa 4-2 card habang nalasap ng Fighting Maroons ang panglimang talo sa anim na salang.