EJK ayaw rin ni Digong dahil ‘dirty job’

Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon na ang gobyerno ang nasa likod ng extrajudicial killings (EJKs) na nangyayari sa bansa.

“We do not do that. It’s a dirty job,” giit ng Pangulo nang magtalumpati kamakalawa ng gabi sa 9th Belenismo sa Tarlac 2016 grand awards night.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi lamang sa kanyang termino lumaganap ang patayan.

“It is not our job. Maniwala kayo. Even before the elections. Please look back in the hands of time and you would notice that marami nang nagpatay-patayan,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Kasabay ng ginawang pagtanggi ay nanindigan ang Pangulo na tututukan ng gobyerno ang problema sa EJK ng bansa.

Pinaalala rin ng Pa­ngulo ang ginawang pagsibak sa ilang heneral na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa.

“I am not saying that they did a cleaning job pero I do not allow extrajudicial, ‘yung nakaluhod. At saka para kang hindi lalaki. Talian mo, balutin mo, it’s a form of torture ‘yung binabalot mo ng plastic.”