Itinuturing ng Malacañang na bahagi­ lamang ng propaganda­ ang isinampang kaso ng extrajudicial killings (EJKs) ng makakaliwang grupo sa United Nations (UN).

“It’s useless to go to the UN without filing­ cases before the fiscal’s office. Fi­ling directly­ with the UN is only for propaganda purposes­ because there are institu­tions in the Philippine­s that could address it,” ayon kay Presidential­ Spokes­person Harry Roque.

Sa halip ay hinikayat ni Roque ang Karapatan Alliance na isampa ang kaso sa piskalya o kaya ay magpasaklolo sa Supreme Court matapos na magbabala si UN special rapporteur Agnes Callamard na may paglabag sa karapatang pantao sa ipinatutupad na war on drugs ng gobyerno.

Una na umanong nagpadala ng magkahiwalay­ na liham kina Callamard­ at Michel Forst ang Karapatan kung saan sinabi nila na may 25 kaso ng EJK ang naganap sa counter insurgency­ drive ng gobyerno.

“From one counter-insurgency program to another, cases of extrajudicial killings against peasants, indigenous peoples, Moro, workers,­ women and youth continue to be committed­ with impunity under the murderous Duterte regime,” ayon sa liham ni Karapatan­ secretary-­general Cristina Palabay.

“We allege that state security forces are primarily responsible for these killings that are all in the context of a go­vernment program that makes no distinction bet­ween armed and unarmed civilians, thus providing­ a pretext for the arbitrary­ tagging of individuals­, groups and movements as ‘enemies of the state,’” giit ni Palabay­.

Ito na ang ikalawang alegasyon ng grupo na paglabag sa human rights matapos ang isinumbong nila na umano’y 47 kaso ng EJK noong Abril sa isinagawang counter­ insurgency drive ng gobyerno.

Itinanggi naman ng Malacañang na hinihika­yat nila ang extrajudicial killings dahil ang posisyon ng gobyerno ay maresolba­ ang problema sa isang mapayapang paraan.