Hindi apektado ng idineklarang Batas Militar sa Mindanao ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nagsabing nananatiling nasa tamang direksyon ang pag-angat ng ekonomiya kaya walang dapat ipag-alala ang mga mamumuhunan sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa.
“The economy is no way threatened by the imposition of Martial Law. The military is in full control of the government installations and major infrastructures on the island. Martial Law will ensure that these facilities are protected so that business transactions will be unaffected,” ayon sa inilabas na pahayag ng kalihim.
Binanggit nito na ang banta ng karahasan sa pinakamahirap na rehiyon ay hindi magkakaroon ng implikasyon sa ekonomiya lalo na’t ang sentro ng komersyo ay malayo sa mga lugar kung saan maaaring sumiklab ang posibleng kaguluhan.