Ekonomiya lumalago sa mga reporma ni Duterte

Ikinagalak ng Malacañang ang ulat na nakapagtala ang ­ekonomiya ng 6.4 porsiyentong paglago sa fourth quarter ng 2019.

“We are delighted by the ­fastest GDP (gross domestic product) ­expansion recorded for 2019, at a 6.4% growth rate for the fourth ­quarter,” ­pahayag ni Presidential ­Communications ­Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sinabi ng kalim na ito’y dahil na rin sa political will ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na magpatupad ng mga kinakailangang reporma at ­programa para makamit ang mithing pag-unlad ng bansa.

Sa kabila ng bumagal na 5.9 ­porsiyentong gross domestic product dahil sa naantalang pagpasa ng 2019 national budget, sinabi ng Palasyo na patuloy ang pag-usad ng ekonomiya.

Ayon pa kay Andanar, ipagpapatuloy ng gobyerno ang mga polisyang pang-ekonomiya at programa para sa ikabubuti ng Pilipinas at ng bawat Pilipino bilang bahagi ng magiging pamana ng administrasyong Duterte. (Prince Golez)