MTRCB kinalampag:
Habang mainit ang isyu tungkol sa pananapak ng nominee ng Ang Probinsyano party-list na si Alfred Delos Santos sa isang waiter, nagatungan pa ito.
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagiging sobrang bayolente umano ng mga eksena sa top rating serye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Na-kidnap ang mga karakter nina Phoebe Walker at Denise Laurel ng grupo ni Bungo (Baron Geisler). Dahil dito’y sobrang pinahirapan sila, na mga babae pa namang pulis. Binugbog, binastos, at nasa panganib pa ang kanilang buhay, kung hindi sila maililigtas sa tamang oras ni Cardo Dalisay (Coco Martin).
Ikinabahala ng ilang netizen ang ilang maseselang eksena nito. Kaya naman kinalampag nila ang MTRCB.
@maixrichport: “I am puzzled why does MTCRB allow Ang Probinsyano to depict rape, abuse and violence in a time when children are watching. This is too much for a primetime show. Nakakapanindig balahibo.”
@modernxangel: “Showcasing abusing/beating women? on national tv? really? @ABSCBN?????
@speedystevie8: “@MTRCBgov sorry, I might be a minority here but ‘Ang Probinsyano’ seems to have gone too violent for a prime time tv show. #justsaying #kulangangSPGTLK.” (JLopez)