Nagbigay ng anim na buwang palugit si Environment Secretary Roy Cimatu para maisagawa ng lokal na pamahalaan ng El Nido ang rehabilitasyon nito para sa isla.

“You told us last time that it will take you six months to rehabilitate. We will give you six months to rehabilitate El Nido,” sinabi ni Cimatu kay El Nido Mayor Nieves Rosento nang magsagawa ng site inspection sa Brgy. Masagana.

Idiniin ng kalihim na hindi ipapasara ang buong isla tulad ng nangyari sa Boracay, ngunit lilimitahan ang paglangoy sa Bacuit Bay sa Brgy. Buena Suerte dahil sa mataas na fecal coliform bacteria na umabot sa 1,300 parts per million (ppm).

“Kapag nag-100 ppm lang saka bubuksan for swimming ulit. Lalagyan ng marker dyan na off limits,” sabi ni Cimatu.