Nasa 10,000 metric tons ng mais at bigas ang tinatayang maa­apektuhan ng El Niño phenomenon kung saan aabot umano ng P100 million ang magiging production loss, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Chief of Field Program Operational Planning Division Christopher Morales na 8 lalawigan ang kanilang mino-monitor na direktang apektado ng tagtuyot kabilang dito ang Cotabato, Occidental Min­doro, Zamboanga penin­sula, Maguinda­nao, Misamis Occidental at Davao del Sur.

Sinabi ni Morales na Nobyembre pa lang ng nakaraang taon ay naghahanda na ang DA sa epekto ng El Niño kung saan isang Task Force El Niño ang binuo na siyang mangangasiwa sa monitoring sa mga apektadong lugar at ang agarang tulong na dapat maibigay sa mga magsasaka.