Ramdam na ang El Niño phenomenon sa Davao del Sur kung saan ay mas apektado ang agrikultura nito, ayon sa report ng Department of Agriculture-Disaster Risk Reduction Management (DA-DRRM).

Diin ni DA-DRRM focal person Roy Jose Pascua, pinakaapektado ay ang Davao del Sur kung saan ay mas tumaas pa ang damage sa high value­ crops at umabot na sa P55.3-milyon ang naitalang pinsala nito sa agrikultura.

Ayon pa kay Pascua, nakapagsagawa na sila ng cloud seeding operations at iba pang solus­yon para mabawasan ang mga apektadong pana­nim na tulad ng sagingan, cacao, mga fruit trees at gulayan.

Kabilang sa nakikitang solusyon ay ang pagpapalabas ng water support at ang pamamahagi ng poso o water pumps na magagamit sa irigasyon habang ang iba naman ay production support na pamamahagi ng mga buto o seedlings.