Ilang mga fish pond at pananim na ang natutuyo dahil sa epekto ng El Niño o tagtuyot na nararanasan ngayon sa La Union at Ilocos Norte.

Ayon sa Region 1-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (R1-Pagasa), maliban sa mga natutuyong palaisdaan, ang mga ilog sa Santo Tomas at San Fernando City ay nakakaranas na rin ng tagtuyot sanhi ng mainit na panahon.

Samantala, dahil sa El Niño phenomenon, sa Laoag City, Ilocos Norte ay maaga nang inaani ng mga magsasaka ang kanilang pananim partikular na ang mais sa ilang bahagi ng nasabing siyudad.