El Presidente video viral na

https://www.youtube.com/watch?v=7RGs8UorEIk

Viral na sa social media ang isang anime clip na nagtatampok kay Pangulong Rodrigo Duterte na may pamagat na ‘El Presidente’.

Ang viral video na mapapanood sa loob ng isang minuto at 28 segundo ay patuloy na tinatangkilik sa social media.

Ang anime na El Presidente ay pinrodyus ng Davao Nikkei Jin Anime Club at Bisayaball Community ay ipinaskil sa Bisayaball Facebook page.

Mapapanood sa video ang simpleng buhay ng noon ay Mayor ng Davao City bago ito naging Pangulo ng bansa.

Patok na patok din sa netizens ang bahagi ng video kung saan ay sakay ng motorsiklo si Pangulong Duterte gayundin ang eksena kung saan ay ini-interbyu ito ng media na nakaupo sa monobloc habang nakasuot ng simpleng damit at naka-tsinelas bago pa ito maluklok sa kapangyarihan.

Maging ang ilang bahagi ng kampanya ay isinama sa anime kabilang ang kauna-unahang State of Nation Address (SONA) ni PDu30 at pakikipagkamay nito kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 772,000 ang views ng anime at 37,505 shares.