Electric gun gamit ng pulisya sa Sampaloc, Maynila lockdown

Hindi baril na may bala kundi electric gun ang gagamitin ng Manila Police District (MPD) panlaban sa manlalaban sa mga pulis sa panahong ipatutupad ang 48 oras hard lockdown sa Sampaloc District sa Maynila.

Ito ang inihayag ni MPD Director PBGen Rolando Miranda kung saan tatlong electric gun ang ipinagamit niya sa ilang kasamahang opisyal ma maari nilang magamit sa kagipitan kung kinakailangan.

“Walang dalang baril ang mga pulis o yantok meron kami dito electric gun kokoryentehin sila, masakit din ito pero ‘di naman nakakamatay,” ayon kay Miranda.

Ayon kay Miranda nakahanda na ang puwersa ng MPD para sa hard lockdown.

Ang mga kasama niyang magbabantay ay mga sundalo na ilalagay sa permiter, pulis, barangay chairman ,Brgy. Ex-O, secretary at treasurer lamang. Hindi umano sila magsasama ng mga barangay tanod at mga volunteer sa pagbabantay.

Dalawang araw umanong mananatili sa loob ng kanilang bahay ang mga tao.

Nabatid na alas-singko hapon nang simulan ng MPD ang pagpapakalat ng mga tauhan sa Sampaloc District. Nagsimula naman ng alas-8:00 Huwebes ng gabi ang lockdown. (Juliet de Loza-Cudia)