Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagtatayo ng mga elevated walkway at bike lane sa EDSA na pinaniniwalaang makatutulong sa mga pedestrian at bicycle rider.

Ayon kay Bukidnon Rep. Manuel Zubiri at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, palala na nang palala ang problema sa trapik sa bansa kaya’t dapat umanong magsimula na ang gobyerno sa pagtatayo ng mga elevated walkway at bike lane sa EDSA.

“Due to heavy traffic and road congestion, our major thoroughfares in Metro Manila have become very unsafe for people who choose to walk to get from one place to another. Even people who prefer to ride bicycles are displaced by the worsening condition of traffic in Metro Manila,” anila.

Partikular na inihain ng mga kongresista ay ang House Bill No. 5374 o ang Inclusive Mobility Act of 2019.

Naniniwala ang mga mambabatas na makatutulong ang naturang panu­kala para mabigyan ng ligtas at mas secured na passageway ang bawat pedestrian at bicycle riders.

“By opening to the public such an important space, this endeavor will also promote healthy living and a cleaner environment by encouragin­g Filipinos to seek an alternative to ridin­g automobiles,” anila.

“Furthermore, the passage of this bill will also fulfill one of the main thrusts of the Duterte administration that is to invest on and create more infrastructure for the benefit of the Filipino people and our future gene­rations,” sabi pa nila. (Lorraine Gamo)