Kinumpleto ng San Beda ang elimination sweep sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup, huling pinaluhod ang Ateneo 82-67 kahapon.
Sampa ang Red Lions sa quarterfinal round sa 8-0 win-loss record sa Group A. Talsik na ang Blue Eagles sa playoff phase.
Matapos talunin ang La Salle noong nakaraang linggo, yumuko ang Ateneo (4-4) sa huling dalawang laro sa elimination round.
Humabol naman ang La Salle (5-3) sa quarterfinal round bilang fourth seed sa Group A.
Haharapin ng Green Archers ang Group A No. 1 seed Far Eastern University sa Miyerkules.
Sumampa sa susunod na phase ang Green Archers matapos kalusin ang Letran.
Si Robert Bolick ang namuno sa opensa ng San Beda sa nilistang 27 points, nag-ambag si Javee Mocon ng nine points at 12 rebounds.
May 12 puntos si Raffy Verano para sa Blue Eagles.