Kamakailan ay umugong ang isyung panliligaw ni Jameson Blake sa aktres at former “PBB” member na si Elisse Joson. Humingi pa nga ng permiso si Jameson sa kanyang kaibigan at ka-Hashtag member na si McCoy de Leon.

Pumayag naman si McCoy dahil wala naman na sila ni Elisse at wala na siyang karapatan pa rito. Pero siyempre, bilang respeto nito sa pagkakaibigan nila ay nagpaalam siya.

Mukhang naudlot ang dapat sana ay pag-iibigan na ng dalawa.

Ayon kasi kay Elisse, nananatili na lamang silang magkaibigan ni Jameson.

May mga oras din na lumalabas sila kasama ang iba pang kaibigan, kinikilala nila ang isa’t isa subalit mabuting magkaibigan na lamang sila.

Nilinaw ng aktres na hindi panliligaw ang samahan nila kundi bilang magkaibigan at bilang magkapamilya.

Sa ngayon ay nais na muna niya ng break mula sa pag-ibig. Nilinaw naman niya ito kay Jameson na nais lamang niyang maging maingat sa mga taong mamahalin. Nais niya na kilalaning mabuti nang sa gayon ay makita niya kung magiging compatible ba sila ng magiging future boyfriend. (Ronaline Avecilla)