Si Elisse Joson ang pinakabagong cast member na nadagdag sa Kapamilya teleseryeng “Ngayon at Kailanman.”
Gagampanan ni Elisse ang role ng kababata ni Joshua Garcia na magiging katrianggulo ni Julia Barretto.
Dahil aware siya na possessive ang mga JoshLia fans, ready na raw siyang ma-bash.
“I got the role, so ini-expect ko na may mga mamba-bash. Ako naman, I’m just doing my job,” paliwanag ni Elisse.
Tungkol naman sa bagong direksyon ng kanyang career, minus McCoy de Leon, napag-usapan na raw nila ito noon pa ng kanyang ka-love team.
“Both of us naman kami, pareho kaming tumatanggap ng work at characters na hindi magkasama. Napag-usapan na po namin na iyon even when we are doing projects together o magkasama kami nang madalas. Darating din kasi ‘yung time that we need to do projects separately kasi growth din iyon ng artista. Kasi nagsimula kami as a love team. Tapos, ‘yung mga ibinibigay sa aming mga roles, ‘yung pa-sweet lang, ‘yung hindi ganoon ka-challenging. This is in a way for us to grow as artists and individuals na rin,” paliwanag niya.