Para kay Barbie Imperial, quota na raw siya sa rami ng lumabas na issues sa kanya sa social media this year. Pero aniya ay isang beses lang siya pumatol na nag-trending pa.

“Isang beses lang naman po akong pumatok sa Instagram, tapos ‘yung isang beses na ‘yun, sobrang nag-trending pa po,” kwento niya sa presscon ng iWant movie na You Have Arrived kung saan ay isa siya sa lead stars.

Ito raw ‘yung isyung hindi pantay ang kanyang boobs na talaga namang pinag-usapan nga.

“Naka-swimsuit po ako nu’n, tapos sinabi niya (ng basher) na hindi raw pantay ‘yung boobs ko. So, nireplayan ko po, sabi ko, “bakit may dede bang pantay?” ‘Yun na po ‘yung pinakapatol ko talaga.

“Parang pag may nagba-bash po sa akin, hindi ko na po siya parang pinepersonal. Kasi, totoo naman, hindi naman talaga (pantay ang boobs niya). Saka parang lahat naman po, hindi naman talaga,” sey pa ni Barbie.

Napag-usapan ang tungkol sa social media dahil ito ang tinatalakay na kuwento sa You Have Arrived kung saan ay kasama niya rin bilang mga bida sina Elisse Joson at Arielle Roces.

Si Elisse naman, aniya ay hindi raw siya mahilig pumatol at bihira rin daw siyang magbasa. Besides, kapag sumagot ka raw sa bashers ay sasagot ulit ang mga ito kaya walang katapusang sagutan ang mangyayari.

Aminado naman sila na importante talaga ang socmed lalo na sa mga celebrities at nagkakaisa rin sila sa pagsasabing dapat ay maging responsable ang lahat sa pagpo-post.

Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa love life at lahat ng tatlong girls ay sinasabing wala raw silang boyfriends ngayon.

Nag-react naman si Barbie nang matanong sa kanya ang dating na-link sa kanya na si JM de Guzman. Sey niya ay 11 months na raw tinatanong sa kanya ang aktor.

Si Elisse naman ay natanong kung totoo bang na-ghost siya ni Jameson Blake at nilinaw niyang wala namang ganu’n.

“Hindi siya biglang nawala. Hindi naman nag-ghosting kasi we talked about it. And we’re friends. We see each other, and we’re part of The Mall, The Merrier (Metro Manila Film Festival movie ni Vice Ganda), so nagkatrabaho po kami,” sabi ni Elisse.

Wala raw talagang relasyong nabuo sa kanila pero naging close raw sila sa isa’t isa.

“We got close to each other. Parang nag-stay na lang du’n. Ngayon, friends muna,” she said.

Anyway, ang You Have Arrived ay produced by Rein Entertainment and Cinebro, one of ABS-CBN’s film outfits. Kasama rin sa pelikula si Teejay Marquez mula sa direksyon ni Shugo Praico. The movie is streaming on the iWant app (iOS and Android) or iWant.ph for free starting October 25.

Lovi movie producer ang bagong dyowa

Very much in-love ngayon pareho ang mga bida ng pelikulang The Annulment na sina Lovi Poe at Joem Bascon kaya naman kung sila ang tatanungin at this point in time, they’re not for annulment.

Joem is in a long-term relationship with his blogger girlfriend na si Chrisha Uy at 8 yrs na sila. Bagama’t hindi pa nila napaplano ang kasal, sobrang happy raw sila sa kanilang relasyon.

Si Lovi naman ay happy rin sa kanyang foreigner movie producer boyfriend na si Montgomery Blencowe kahit pa nga ba magkalayo sila.

“He’s really nice, he’s really a good person. Yeah, I’m so happy that we’re sharing this moment together kahit he’s far away from me. So, kahit magkalayo kami, we make sure that we’re part of each other lives,” sey ni Lovi.

May feeling ba siya na he’s the one na?

“Ayoko kasing magsalita nang tapos, but again, like what I’ve said earlier, pag pumasok ka naman sa isang relasyon, you don’t want it to end badly. Parang you’re always being hopeful, you always wish for the best,” sagot ng aktres.

Samantala, sa The Annulment ay napakaraming maiinit na eksena nina Joem at Lovi na makikita sa trailer pa lang. Puring-puri ni direk Mac Alejandre ang dalawang artista niya dahil wala raw talagang arte when it comes to doing those scenes at never siyang nagkaroon ng problema.

Showing na sa November 13 ang The Annulment produced by Regal Entertainment. Also in the film is Miss World Philippines 2017 na si Laura Lehmann.