Elizabeth, ibibigay ang trophy sa Mowelfund

NAGULAT si Elizabeth Oropesa sa pagkapanalo niya bilang Best ­Supporting ­Actress sa nakaraang Cinemalaya ­Independent Film Festival.

Hindi niya akalaing mapapansin siya sa maliit na partisipasyon niya sa peli­kulang I America dahil isang araw lang ang shooting niya sa pelikulang iyun.

Bukod pa riyan, hindi raw siya naimbitahan, kaya wala siyang ideya tungkol sa awards night.

First time niyang nanalo sa Cinemalaya kaya wala siyang ideya kung ano ang itsura ng trophy.

Balak ni La Oro na ibigay sa Mowelfund ang trophy niya dahil hindi raw siya nagdi-display ng mga tropeyo niya.

Nabanggit niya sa isang katrabaho na hindi siya nagdi-display ng acting trophies niya sa kanyang clinic para walang bahid ng pagka-artista ang may-ari ng clinic.

Kapag hindi abala sa pag-aartista si Elizabeth, abala siya sa kanyang cli­nic on alternative healing.

Hindi niya iyun hina­haluan ng showbiz.