Si Elizabeth Oropesa ay open na open din sa pagsasabing type na type niyang maging dagdag na asawa ni Pres. Rodrigo Duterte.

Isa siya sa napaka-vocal sa pagsuporta at pagtanggol sa ating pa­ngulo, pero nilinaw niyang hindi siya interesadong magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Sakaling tanungin siya kung gusto niyang magkaroon ng posisyon sa gobyerno, tatanggi siya dahil baka hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Ani La Oro, “Takot kasi ako sa ganyan kasi I might not be qualified. I do not want to disappoint the president and the Fili­pino people.

“Mamaya, ma-bash lang ako diyan dahil hindi ko naman pala kaya ‘yun. Tatanggapin ko dahil in-offer sa akin dahil kakampi niya ako? Ayoko ng ganu’n.

“If ever tatanggap ako, gusto ko dahil quali­fied ako, na alam ko ang gagawin ko.”

Wala sa isip niya na aabot siya sa ganu’n dahil lang sa pagsuporta niya sa presidente.

“Sabi ko nga, puwede naman ako, another first lady. Why not, di ba?” natatawa niyang pahayag.

“Naku, magalit si Kitty! Pero payag na ako third wife,” dagdag pa niya na tawa nang tawa.

Hindi namin alam kung seryoso siya at idinadaan na lang sa biro, pero sinasabi niya ulit na willing siyang mag-alaga sa presidente at humalili kay Honeylet Avanceña sakaling hindi ito puwede.

“Pagsisilbihan ko silang lahat pati si Honeylet.

“Nakakatulong ako. Kung hindi siya avai­lable, eh nandiyan ako,” sabi pa nito.

“Pero seriously speaking. I can help the president. I can be there by just being a special assistant to something, but not in showbiz.

“I would rather be somewhere near DENR. Kasi, warrior ako pagdating sa ating Inang Kalikasan, eh. Pero ayoko naman maging Secretary ng DENR. Kasi, hindi ko alam eh,” saad pa ng actress.

Inilahad din ni La Oro na araw-araw niyang ipinagdasal si Pres. Digong at me­ron itong kandilang sinisindihan niya para sa presidente para gabayan ito sa lahat na mga desisyon.

***

Aicelle Santos
Aicelle Santos

VERY open sa social media ang magkasintahang Mark Zambrano at Aicelle Santos sa kanilang relasyon.

Nakikita kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa kaya ang hula ng karamihan, sa kasalan na ang ending nito.

Kaya nang tinanong namin si Aicelle sa press launch ng bagong drama series ng GMA 7 na Impostora, napangiti na lang siya. Wala pa raw sa plano nila ngayon ang malagay sa tahimik.

“Sa ngayon po ay magtatrabaho muna kami pareho maigi para sa kinabukasan namin,” pakli ni Aicelle na parang hindi pa ready na pag-usapan ang mga ganu’ng bagay.

Aminado si Aicelle na tingin niya, si Mark na ang gusto niyang makasama habang buhay kaya napapag-usapan na raw nila minsan.

“Napag-uusapan po. Pero pinagdadasal po namin, in God’s time naman malalaman namin, maramdaman namin kung kailan ang tamang panahon,” sagot nito.

Ang katabi niyang si Elizabeth Oropesa ang react nang react dahil botong-boto ito sa relasyon ng dalawa.

Si Elizabeth ang isa sa masaya sakaling mabalitaan niyang magpapakasal na sila.

3 Responses

  1. Ang gulo no La Oro. Pinalalabas niyang may delikadesa siya pero hayagang sinasabi na pwede siyang maging kabit. Mukhang nahawa na siya kay Duterte.