SA JaDine ikinukumpara ang JulianElla loveteam nina Julian Trono at Ella Cruz.
Tulad nina James Reid at Nadine Lustre noon na nagsimula sa pakanta-kanta at pasayaw-sayaw, parang ganu’n din ang ginagawa ngayon nina Julian at Ella.
Sabi ni Ella kahapon sa press launch ng single nila ni Julian na Tumalon under Viva Records, hindi maiiwasan ang mga ganu’ng comparison lalo pa’t gaya ng JaDine ay Viva talents din sila ni Julian.
Para sa 20-anyos na dalaga ay okey lang ‘yon. Basta, they are trying to prove na iba sila and they’re doing their best para mahalin din sila ng mga tao.
Matagal nang magkakilala ang JulianElla, since mga bata pa sila na nag-host sila ng Kapuso kiddie show na Tropang Potchi.
After that ay nag-stay si Julian sa GMA at si Ella ay pumunta ng ABS-CBN.
Kahit hindi sila nagkikita ay nandu’n ang nabuo nilang friendship, sey ni Ella.
Ngayong magkapareha na sila ay sobrang nagko-complement ang mga passion nila at napakakomportable nila sila sa isa’t isa.
Ang gusto ni Ella kay Julian ay family-oriented din ito katulad niya.
Bukod doon, pinakagusto niya ang creativity nito dahil nahahawa siya rito.
Touched din si Ella na naniniwala si Julian sa talent niya at kaya pa niyang palawakin ito lalo na pagdating sa dancing.
As in namo-motivate siya ng binata, kaya kung dati ay hindi siya gumagawa ng sarili niyang choreography, ngayon ay nagagawa na niya dahil sa pagpu-push ni Julian.
Pareho ‘yung eagerness nila to work and create something.
At para kay Ella ay boyfriend material si Julian, pero masyado pa raw maaga para isipin kung magiging sila in the future o hindi.
***
Girlfriend material din si Ella para kay Julian.
Sabi ng 19-anyos na actor-dancer-choreographer, ang gusto niya kay Ella ay sobrang caring nito at very thoughtful.
Ang nakikita kasi sa dalaga ay ang pagiging outgoing nito na magulo at maingay, pero sa bahay ay sobrang chill lang nito at tahimik.
Sobrang soft daw ng Kapamilya star at very appreciative kahit sa maliliit na bagay.
Matagal nang magkaibigan ang JulianElla since mga bagets pa sila kaya friendship ang kanilang foundation, sey ni Julian.
Hindi alam ng tsinitong binata what the future holds for them. Kung doon sila papunta sa pagiging magkarelasyon, sana raw ay maging maayos.
Sa ngayon ay sobrang close nilang dalawa, but they’re not into labels, ani ni Julian.
Basta kung anong pinapakita nila sa mga tao, ‘yun na ‘yon. Open ang relasyon nila dahil ang mga pamilya nila ay sobrang tight.
Pagdating sa JaDine comparison, naniniwala si Julian na parang wala nang puwedeng maging kagaya ng JaDine.
“I mean, in my own personal opinion, parang ang hirap i-replicate kasi ng JaDine, eh.
They’re different. Meron silang certain way of doing things.
“As much as possible, mahirap iwasan ang comparison. But sabi ko (kay Ella), ‘Kung sino talaga tayo, hayaan natin kung may magkakagusto o hindi sa ginagawa natin. But as long as we’re real, I think we’re doing the right thing!’”
Sobrang overwhelmed ang feeling ng dalawa kahapon, lalo na nang i-announce ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artists Agency na from doing recording ay gagawa na ng movie ang JulianElla.
Ang grupo ni Bb. Joyce Bernal ang hahawak ng romcom project ng JulianElla na Fanboy/Fangirl.
Later this year ay magkakaroon din sila ng show, ang TV series na base sa Wattpad hit na Break the Cassanova’s Heart na produced ng Viva, pero ipapalabas sa TV5.
Bago ang duet single nila na Tumalon ay inilabas muna ng tinaguriang Teen Dance Princess na si Ella ang single niyang Tamis at ang sarili ring single ng tinaguriang Teen Dance King na si Julian na Balang Araw.