Ella, nakapatong lagi sa hita ni Julian

Julian at Ella

Julian  at EllaANO ang lamang ng JulianElla (Julian Trono & Ella Cruz) sa mga hotter than hot love teams na Kath­Niel, JaDine, LizQuen at MaineChard?

Una, hindi sila mukhang Pinoy-Pinoy. They can pass as Korean or Chinese at kung marubdob ang Viva para gawin silang star fire hot, itong Asian features nila eh pwedeng i-capitalize.

Pwede silang pan-romantic comedy ala Meteor Garden o The Heirs. Dapat lagi silang nagmamayaman.

Sila ang dapat magbalik ng glossy glory days ng production outfit where they belomg.

Pwede silang two rich, spoiled brats belonging to rich families with Oriental progeny.

Think Romeo and Juliet na ang back drop eh Binondo and the exclusive villages located in the South.

Ang isa pa nilang advantage, they can move, groove at touchy feely sila sa isa’t isa.

Pwede silang i-pac­kage as a young, sensual love team. Most of the love teams ay pa-sweet, pa-cute, virginal.

If JulianElla pus­hes the envelope and go to the aggressive at explo­ratory part of being young, especially on the matters of the birds and bees, they will create their own niche.

Sila dapat ang team up na dahil “bata,” walang takot na mang-arouse at man-titillate.

Kita sa music videos nila na tila they have what it takes to make the people go ooooh!

Mali­ban sa pagiging sing and dance of the two, maru­nong na silang umarte.

May Purok 7 at Ronda to his credit si Trono. Si Cruz, marami-rami na ring dramas at soaps kung saan pinanday na ito.

Refreshing rin na wala pa silang masyadong kiyeme latik sa katawan. Agad-agad, sumasagot sa mga tanong, walang paliguy-ligoy. Tapat at may sense na kausap.

Sa tanong kung girlfriend material si Ella, ang sagot agad ni Julian, “Yes.”

Si Ella, nagpa-cute pa muna, “Choosy pa ba ako? Yes, boyfriend material si Julian.”

Para kay Trono, blessing ang team up nila ni Ella lalo na’t sunud-sunod ang projects nila para sa Viva.

Ang emotada encarnacion ni Cruz, nakaka-tense at “big challenge for me and Julian to prove ourselves.”

***

Dalawang milyon ang followers ni Ella sa social media at may 6 million views na ang dance video niyang Work It.

Kay Julian, may 4 million views na ang FettyDanceCraze video at 3 million views modern pas des deux nila na Versace on the Floor.

Ang isa pa nilang lamang, they do dance very well.

Individually and collectively, iba ang galaw at pitik nila. Matagal na silang magkakila at magkaibigan, since their Tropang Pochi days pa.

Having a solid friendship works for them. Wala kasing ilangan. Natural ang lahat.

‘Yung kamay ni Ella, laging nakapatong sa hita ni Julian noong press payanig. Nagbubulungan pa sila.

They look at each other na mata sa mata. Hindi pilit ang pagiging magaan at kumportable nila sa isa’t isa.

Mukha ring may pil­yo at naughty side sina Julian at Ella na panalong i-explore at gamitin to the fullest.