Ellen Adarna never naghabol

‘Di nakalampas maging si Ellen Adarna sa masaklap na karanasan ng “ghosting,” o iyong bigla ka na lang iniwan ng iyong karelasyon nang walang pasabi o paliwanag.

Nilantad niya ito sa question-and-answer session niya sa kanyang Instagram followers.

Kuwento niya pa, bumalik ang ‘di pinangalanang ghoster pero ‘di niya na ito tinanggap.

“He came back two weeks after with flowers and I told myself, ‘No, I was fine without you and I’ll be fine without you’,” sey ni Ellen, sa ulat ng PUSH.

“I gave myself pep talks that I am a strong, independent, and confident woman and I do not deserve a boy like that. He’s not worth chasing. I never chased,” sambit pa niya.

Kinilala rin ng 32-anyos na aktres ang yumaong tatay na si Alan Modesto, na aniya’y kinintal sa kanyang isip na dapat pahalagahan at pagkatiwalaan ang sarili. (SDC)