Ellen at Baste, panay-panay ang tawagan

Baste Duterte

HINDI masabi ng ilang sources namin kung meron ba talagang namamagitan kina Ellen Adarna at Baste Duterte.

Ayon sa aming sources, noong nasa Baler at nagsu-shooting si Ellen, panay raw ang tawagan nila ni Baste.

Minsan daw, nakipagtsikahan pa si Ellen sa telepono kay Baste, pero hindi lang daw maintindihan ng mga tsismosa roon dahil Bisaya ang usapan nila.

May mga usapan ang dalawa na nakakabit pa ang lapel ni Ellen kaya dinig na dinig ng mga staff doon sa set.

Hindi lang daw maintindihan ang usapan ng dalawa dahil Bisaya sila mag-usap.

Binibiro pa raw ng ilang nakakarinig at sinasabihan daw si Ellen na “English only please” para maintindihan ang usapan nila.

***

Nakatsikahan namin si Vin Abrenica sa birthday party ni Direk Armand Reyes kaya kinumusta namin si Ellen sa kanya nang nagkasama sila sa shooting ng pelikulang Maliwanag na Buwan na kinunan sa Baler (Aurora) at Tayabas (Quezon).

“Ellen is great. Napaka-professional niya,” napapangiting sagot sa amin ni Vin.

Trabaho lang daw sila roon at walang halong hanky panky.

Ang sabi naman namin sa kanya, siyempre hindi siya makadiskarte kay Ellen dahil nandoon si Sophie Albert na matagal nang napabalitang girlfriend niya.

Magkaibigan lang daw sila ni Sophie, sabi naman niya sa amin.