Ellen ayaw maghabol sa lalaki

Kahit ang sexy at kagandahang si Ellen Adarna ay hindi nakakaligtas sa mga manlolokong lalaki.

Sa kanyang Instagram story, sinagot ni Ellen ang isang tanong kung nakarananas na ba siyang maloko ng kanyang karelasyon.

Kinumpirma naman ito ng aktres. Ibinahagi niya kung anong ginawa niya nang malamang niloloko na pala siya.

“Oo, nasa bakasyon siya noong nalaman ko. So, pag-uwi niya sa bahay that time, wala na akong mga gamit. Hindi ako nakipag-away. Hindi na ako nagtanong. I just left. Gwapa ako!” sey ni Ellen.

So, bago pa nalaman ng guy na lumayas si Ellen nakapag-move on na raw ito.

Hirit niya hindi raw dapat naghahabol ang mga girls sa mga lalaki.

Ayon pa sa kanya, dapat daw ang mga babae ay hindi naghahabol sa mga lalaki.

Tila malas sa pag-ibig ang sexy actress, na hindi rin nagbunga ang pag-iibigan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Pero ngayon ay may bago nang dyowa si Ellen at nasa long-distance relationship sa isang foreigner mula sa Spain. (RP)