Ellen ayaw pakabog kay Ivana

Habang alalang-alala si John Lloyd Cruz sa kinatatakutan niyang pagpapalaki sa kanilang anak ni Ellen Adarna na si Elias ay hayun naman ang nakahiwalay niyang sexy actress.

Isa lang ang pinagkakaabalahan ngayon ng mommy ni Elias, ang mga ginagawa nitong ritwal para mapanatiling nasa tamang kurbada ang kanyang katawan, lalo na nga’t nagkaanak na ito.

Seksing-sexy si Ellen sa mga ipino-post nitong retrato, may isang picture pa nga itong ipinakita sa publiko na halos ang hiwa na lang ng kanyang hiyas ang may takip, gusto pa yatang kumpetensiyahin ni Ellen ang hubadera rin sa mga retratong si Ivana Alawi.

Isang source na palaging kasama ni Ellen sa kanyang mga sexy pictorials ang nagkuwento sa amin na totoong sexy ang ex ni JLC.

Pero ang kanyang komento, “Palibhasa, e, tisay siya, marami siyang mantsa sa katawan. Meron din siyang mga peklat sa braso at binti na maputi nga lang, kaya hindi halatado.

“Magastos siya sa foundation, malalaki ang binibili niyang concealer. Kailangang takpan ang mga peklat niya para pantay ang kanyang kulay.

“Nagtatanungan nga kami kung bakit marami siyang peklat, e, anak-mayaman naman siya? Puwedeng dahil mamam na siya nang mamam kahit nu’ng teenager pa lang siya, e, nasusugatan siya kapag umuuwing lasing na lasing siya,” seryosong kuwento ng aming kausap.

Puwede! Dahil nu’ng minsang makita ng isang grupo na lasing na lasing ang sexy actress sa isang bar ay paekis-ekis na raw kung magkalakad si Ellen Adarna.

Pero sige-sige pa rin ito sa kaiikot sa bar, pasuray-suray, dahil sa sobrang dami na ng kanyang nainom. ‘Yun ang naging dahilan kung bakit sila naging magkarelasyon ni Lloydie.

Nagkasundo sila sa isang dibersiyon, ang walang patumanggang paglaklak, na para bang hindi kumpleto ang kanilang maghapon kung hindi masayaran ng agua de pataranta ang kanilang lalamunan.

Isinanla ni John Lloyd ang kanyang karera sa naging relasyon nila ni Ellen, tinalikuran niya ang hanapbuhay na literal na nagpabago sa takbo ng kabuhayan ng kanyang pamilya, pero wala ngang forever.

Itinuturing pang black hole ni Ellen ang halos tatlong taon nilang pagsasama ni JLC, wala itong binanggit na pangalan ng taong nagtulak sa kanya sa depresyon, pero hindi naman tanga ang buong mundo para hindi matukoy kung sino ang taong isinasangkalan nito.

Kung babalikan siguro ni Lloydie ang nakaraan ay hindi niya iiwanan ang kanyang career nang dahil lang sa isang babae. Kung alam lang niya ang magaganap sa kinabukasan, siguro’y nag-isip muna nang libong beses ang aktor, bago niya itinengga ang kanyang mayabong na hanapbuhay.

Pero sabi nga ay dalawang argumento lang daw ang pinakamahirap ipanalo sa mundo. Relihiyon at pag-ibig.

Saanman sumuot ang pagtatalo, saanman mauwi ang pagpapalitan ng opinyon ay walang saysay, dahil hindi natin naipapanalo ang laban.

-o0o-

Tama ang sinabi ng isang kausap naming personalidad. Pagkatapos ng enhanced community quarantine ay isang bagong mundo na ang ating haharapin.

Kung hindi na magkakaroon ng ekstensiyon ang ECQ sa May 15 ay dalawang buwan tayong pumasok sa isang tunay na nakapaninibagong klase ng buhay.

Hindi natin ito hiningi, lalong hindi natin inasahang magkakaroon pala ng lockdown, pero kinailangan nating yakapin.

Bahala na si Batman, sabi ng mga pilosopo, anuman ang kahihinatnan natin kapag tinuldukan na ang lockdown ay abangan na lang natin.