NATULALA kami sa Facebook post ni Chokoleit noong Linggo nang madaling araw.

Nanghina kami sa litrato niya na wala siyang saplot at nakatalikod.

“The heat is on! ‘Wag mo ‘ko dine-dare Ellen, ‘wag akooo!” babala ni Hot Chokoleit.

Ang kapal ng puwet! Este, mukha pala!

Halos panawan kami ng katinuan nang makita namin sa Instagram ni Chokoleit ang kaparehong nude picture.

Ang IG caption ni Chokoleit sa kanyang pa-puwet, “Ellen Ellen Ellen ang naiba… Pag ako humarap, makikita nyo ang ibong Adarna.

“Kaya ‘wag na ‘wag mo akong dine-dare Ellen, ‘wag ako!”

Parang awa mo na, Ellen!

Huwag kang mag-post na nakabihadhad ang matambok mong monay, or else… mag­he-hello ang angry bird ni Chokoleit!!!

Chokoleit
Chokoleit