Ellen ‘di ma-take ang ka-weirduhan ni John Lloyd?

Tila unti-unti nang nagda-die down ang usapin sa pagitan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto. Hindi naman pinatulan ni Bea ang magkahiwalay na pahayag ng kanyang ex-boyfriend at ni Julia.

Habang humuhupa na ang usapin sa pagitan nina Bea, Gerald at Julia, heto’t unti-unti namang umaalagwa ang issue na may kinalaman naman sa breakup diumano nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Dalawang taon din silang nagsama at kawa-one-year-old pa lamang ng kanilang anak na si Elias Modesto nu’ng nakaraang June 21.

May mga lumutang na balita na hindi na rin umano ma-take ni Ellen ang ka-weirduhan ng kanyang partner, maging ang bisyo umano nito sa pag-inom. May balita pang gusto umanong magbalik-showbiz ni Ellen pero ayaw umanong pumayag si Lloydie.

Pero hangga’t hindi nagsasalita ang magkabilang-panig, mananatiling haka-haka lamang ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Samantala, kung totoo raw na hiwalay na sina JLC at si Ellen, malamang daw na balikan na ng Kapamilya actor ang kanyang showbiz career.

Kamakailan daw ay tinawagan ng aktor ang kanyang kaibigang director na si Direk Cathy Garcia-Molina. Malamang daw na ito ang magiging comeback movie ni John Lloyd kapag nagka­taon.

Kahit magda-dalawang taon nang tinalikuran ni John Lloyd ang showbiz, marami pa rin ang nag-aabang sa kanyang muling pagbabalik.

Kath may ‘K’ humingi ng break kesa kay Nadz

Kung may dapat daw humingi ng pahinga o break sa paggawa ng pelikula o TV project ay walang iba ‘yon kundi si Kathryn Bernardo. Sunod-sunod kasi ang projects niya. Ang pinaka-latest ay ang mega hit movie nila ni Alden Richards sa bakuran ng Star Ci-nema, ang “Hello, Love, Goodbye”.

Marami kasi ang nag-react nang humingi umano ng break si Nadine Lustre kaya hindi na nito tinanggap ang mo-vie na pagsasamahan sana nila ni Aga Muhlach. Ito’y ang Metro Manila Film Festival entry na local adaptation ng Korean movie na “Miracle on Cell No. 7”.

Kung ang ibang young actresses ay nagkakandarapa na makatrabaho si Aga, mukhang hindi ganoon si Nadine.

Kung umatras si Nadine sa MMFF movie, unang nag-backout ang boyfriend ni Nadine na si James Reid sa movie remake ng “Pedro Penduko”.

In terms of popularity and box office appeal, malayong-malayo ang JaDine sa KathNiel.

Gloria part 2 sa ‘Celebrity Talk’

Palaging tutukan ang aming “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite na napapanood sa website, Facebook and YouTube channel. Bukas ay Part 2 ng aming panayam sa TV and movie icon na si Gloria Romero.

Puwede niyo ring balikan ang past episodes ng “Celebrity Talk” kung saan namin na-interview sina Pops Fernandez, maging ang aming exclusive na panayam kina Ara Mina, Barbie Imperial and Skyjet big boss na si Patrick Tan sa San Vicente, Palawan.