Ellen inayawan si Baste

NI: ARCHIE LIAO

Maraming pasabog na pinakawalan si Ellen Adarna sa kanyang question and answer portion sa kanyang IG account.

Nagpaunlak siyang sagutin ang mga tanong ng kanyang followers tungkol sa kanyang lovelife.

Hirit niya, marami na siyang naranasang heartache pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

May mga emote rin siya tungkol sa infidelity pero deretsahan niyang sinabi na never siyang niloko ni John Lloyd Cruz.

Dahil dito,maugong ang espekulasyon na ang pinatutungkulan umano niya ay ang ex na si Baste Duterte.

Bagamat naging vocal siya noon sa hiwalayan nila ni Baste, never naman niyang idinetalye ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Dahil absuwelto si Lloydie sa rebelasyon ni Ellen, nabaling naman ang tanong kung si Baste raw ba ang tinutukoy niya?

Anyway, giit ng aktres hindi raw siya iyong tipong martir sa lalaki. Pag iniwan niya ito ay mahirap na siyang mapaamo kahit pa bumabalik ito sa kanya.

Ayaw raw niyang sayangin ang kanyang ganda.

Paniwala kasi niya, hindi lang ang pagkakaroon ng lovelife ang magpapaligaya sa isang tulad niya.