Ellen ‘joke-joke-joke’ lang ang pagbubuntis

Ellen Adarna

NAKIKITA sa mga ipinu-post nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na masayang-masaya sila sa kanilang bakasyon. Mukha itong sa Switzerland ang na-enjoy nila nang husto na kung saan ang dami nilang mga ipinu-post lalo na ang skiing nila.

https://www.instagram.com/p/BahWz4WlwpG/?hl=en&taken-by=maria.elena.adarna

Parang marunong mag-ski itong si Ellen na kung saan tinuturuan niya si Lloydie.

Sa isang video post niya, nasa caption nito; “I don’t know if I am a good teacher or he’s just a fast learner lol! Hahaha! #both na lang.”

Masaya ang mga kaibigan nilang nagku-comment na doon lang daw nila nakita ang kakaibang saya sa mukha ni John Lloyd, kaya masaya na rin sila sa relasyon ng dalawa.

May isang kaibigan silang nag-comment na tila niyaya sila sa February na si­nagot naman ito ni Ellen ng Cebuano na “Basin muuban jud ni!! Kai na­lingaw ug skiii meditating daw!! Pero ikaw nganga preggy activities niseko round 2 hahaha!”

Sa pagkakaintindi namin, baka sumama pa raw si John Lloyd dahil nagi-enjoy daw ito sa skiing, dahil nakaka-meditate siya rito. Tila ginagawang biro na lang ni Ellen ang isyung buntis. Pero may ilan pa ring followers na iniisip nilang buntis ito kaya pinapag-ingat siya.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, hindi raw nila alam kung ano na ang balak ng ABS-CBN 2 kay John Lloyd pagkatapos ng kontrata nito sa February. Masaya naman daw sila para kay John Lloyd dahil nakikita nilang masaya ito.

Sa isang post ulit ni Ellen ay tila makahulugan ang caption nitong, “Today’s sehs @ekomsi my (heart emoticon) is a fast learner, I took him to the intermediate slope without him knowing… #justdoit we both had our ups and downs.”

Winwyn, #1 sa online voting ng Reina Hispanoamericana

Winwyn Marquez
Winwyn Marquez

Isa si Wynwin Marquez sa mga unang kandidata na dumating sa Bolivia, at mainit itong tinanggap ng mga organizers ng Reina Hispanoamericana.

Nung nakaraang Sabado dumating si Wynwin doon kasabay ang ilang kandidata. Mabuti na rin daw na maaga siyang dumating para may panahon pa siyang mag-adjust doon mula sa halos dalawang araw na biyahe.

Nasa post ng Reina Hispanoamericana na kasabay ni Wynwin ang kandidata ng Nicaragua.
‘Reina’ ang tawag sa kanila, kaya Reina Filipinas ang ating pambato sa naturang international beauty contest.

Si Wyn ang kauna-unahang kandidata ng Pilipinas at ng buong Asia, kaya halos lahat ay nakatutok sa kanya. Hindi lang mga kapwa Pinoy ang sumusuporta sa kanya kundi buong Asya.

Sabi nga ni Winwyn; “Yung edge ko siguro is we have this unique he­ritage. I look Asian but my blood also is Spa­nish. Diversity yan ang ipaglalaban natin.”

Malaki ang kumpiyansa ng lahat na makakapasok sa finalists si Winwyn dahil as of now, nangunguna ito sa ­online voting. Kapag ikaw ang nag-number one sa ­multimedia category nila, pasok ka agad sa finalists at doon na magkakaalaman kung sino ang mangangabog sa question and answer portion.