Ellen makatulo-laway ang alindog

NI: NONIE V. NICASIO

Wala pa ring kupas ang kaseksihan ng aktres na si Ellen Adarna.

Base sa kanyang latest Instagram post, hot na hot pa rin ang porma ni Ellen. Suot ang sexy two piece bikini, nagpasilip dito ng kaseksihan ang aktres.

Certified Hot Momma si Ellen, na sadyang hindi mapagkakamalang may anak na dahil sa kanyang makurbang katawan.

Walang barakong hindi pagnanasaan ang makatulo-laway na alindog ni Ellen.Tiyak na mag-iinit sila sa katam-takam na katawan nito.

Siya ang tipo ng girl na kinaiinggitan ng kapwa niya babae at pinapantasya naman ng maraming kalalakihan.

Samantala, sa unang pagkakataon ay inamin ni Ellen na maayos ang setup nila ng ex niyang si John Lloy Cruz hinggil sa pag-aalaga o pagpapalaki sa anak nilang si Elias.

Nangyari ang pahayag ni Ellen nang lumabas si Elias sa IG Live nina Lloydie at Bea Alonzo, recently. May netizen kasing nagtanong kay Ellen sa kanyang Instagram kung gaano kadalas niyang nakikita ang anak.

Sagot ng aktres, “He stays with me, he sleeps over his dad’s place twice a week because we co-parent.”

Nauna rito, ipinahayag ni Ellen na wala siyang balak ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ngayon dahil gusto niyang maging isang full-time mom.