Ellen at Miho, sex workers

Ellen Adarna at Miho Nishida

GAGANAP sina Ellen Adarna at Miho Nishida bilang sex workers sa legal drama na Ipaglaban Mo ngayong hapon, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

GAGANAP sina Ellen Adarna at Miho Nishida bilang sex workers sa legal drama na Ipaglaban Mo ngayong hapon, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

View this post on Instagram

Abangan..with @maria.elena.adarna 🎥. . .

A post shared by ニシダ ミホ (@real.miho_nishida) on

Dahil sa pangarap at pamilya, mabilis na napapayag ng recruiter na si Glenda (Sunshine Garcia) sina Cherry (Ellen Adarna) at Hazel (Miho Nishida) sa inalok nitong trabaho na maging make-up artists sa Malaysia.

 Bangungot ang kanilang kahahantungan dahil pagkalapag nila sa ibang bansa, sapilitan silang pinagtrabaho bilang sex workers.Ilang beses ginahasa si Hazel ng illegal recruiter din na si Gilbert (Epy Quizon).Paano sila makakaligtas sa impyernong napasok?

Mapanagot kaya nila ang may gawa nito sa kanila?

***

ELITE CENTERFOLD naman ni Karla Jalandoni ang magpapakitang-gilas sa 4th elimination round ng Last Man Standing 2017 ngayong gabi sa One 690, Lot 39 Roces Av., QC.

Ang grand finals ng paligsahan ay sa Setyembre 23, kung saan magpapasiklab din ang Team Nguso (Ronald Mendoza Cristobal), Shobilicious Hunks (Shobi Dionela) at BEModels (Bembem Kho).Di ba, Mommy Genesis Gallios?