NAKAKADARANG na romansa ang matutung­hayan sa pre-Valentine movie na Moonlight Over Baler.

O Maliwanag Na Buwan ang theme song ng pelikula, kung saan ang isang Japa­nese journalist (Vin Abrenica) na duma­law sa bayan ng Baler, Aurora, ay umibig sa isang marilag na dalaga (Ellen Adarna).

Ang Japanese journalist ay kamukhang-kamukha ng sundalo (ginampanan din ni Vin Abrenica) na dakilang pag-ibig ng isang soltera (Elizabeth Oropesa).

Anong hiwaga ito?

O ito’y biro ng tadhana?

Pakiwari ng soltera ay kasalanan niya kaya pumanaw ang sundalo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Puwede bang pakiusapan ang buwan upang hanapin ang minamahal?

May saysay ba ang sumpaan ng magsing-irog sa liwa­nag ng buwan?

Ang romansa ay matamis na mapait.

Maligaya na malumbay.

Hanggang kamatayan.

One Response